today.....i think ive lost the only trust that i have of men.
sobrang konti na lang yon eh, kinuha mo pa. magkaibigan tayo diba?
hindi naman lihim na kakatapos lang ng gulo sa buhay ko diba? actually, hindi pa nga tapos eh. nagsisimula pa lang akong bumangon.
akala ko kaibigan kang lumapit sa kin, handang tumulong pag kelangan ko ng karamay. naiintindihan mo sitwasyon ko. magkaibigan tayo diba?
nahihiya pa nga ako pag nag uusap tayo. tinatamaan kasi ego mo pag nagagalit ako sa mga lalake. "wag mo naman lahatin" yan ang laging sabi mo. and for a while there, naniwala akong iba ka nga sa mga kalahi mo.
wala namang kahit anong namagitan sa tin. hindi ko naisip ang mga bagay na yan kahit may mga sinasabi kang "pahaging". cguro nga kasi, hirap na ko magtiwala. sa dami ba naman ng pinagdaanan ko, understandable lang cgurong ganito ang pag iisip ko. pero sabi mo nga, hindi lahat ng lalake sinungaling. meron pa ring mga natitira dyang malinis ang kalooban at sincere sa lahat ng sinasabi nila, kagaya mo (un ang sabi mo).
ang tanga ko rin naman no? alam ko namang hindi dapat basta basta naniniwala, pero syempre, nadala ko sa galing nang pag arte mo. hindi na ko natuto.
alam mo, wala akong inisip na mas malalim pa sa pagiging magkaibigan sana natin. hindi ko yan masyado napagtuunan ng pansin. masyado pa kasi cgurong maaga. hindi pa kita masyadong kilala, bukod pa sa dahilang hindi pa ko handa. kaya wag mo sanang maisip na nasasaktan ako dahil sa nalaman ko tungkol sa inyong dalawa.
nagulat lang talaga ko. ngayon ko lang talaga napatunayan, wala kang ipinagkaiba sa kanila. kapareho mo rin lang silang mabulaklak ang dila.
nakakahinayang lang. maayos ka naman sanang kaibigan.
bakit ba kasi kelangan mo pang maglihim na "ure in a relationship" na pala? hindi ko talaga magets. magkaibigan tayo diba?